N O T N I M D A B
Gumising ako ng maaga ngayon kasi may paligsahan sa badminton kami. Nagluto ako ng adobo fried rice para hindi ako gutumin sa tanghalian. (tanghali kasi ang simula na pakikipagtunggali). Ako'y nag-ayos at isinuot ang bagong bago damit na pam-badminton. Nang ako'y nagbibihis, biglang humuni ang aking kamay telepono (handphone). Binasa ko ang nakuhang mensahe at nasa Redhill MRT na daw ang aking kapares sa Men's Doubles. Nagmadali ako pumunta sa lugar na yun subalit sadyang napakalayo ng Redhill sa Pasir Ris at sobrang tagal ng bus mula sa bahay papuntang Pasir Ris MRT.
Nang nagkita kami ng aking kapares ay bigla ko naisip yung aking kaibigan na dapat kong kapares sa laro. Nagkaroon siya ng kapansanan sa mata kaya pinalitan siya ng kanyang kaibigan (pero oks na daw siya). Matapos na maligaw kami sa kakahanap sa lugar ng pagdadausan ng paligsahan, natagpuan din namin sa tulong ng mamang nakabisikleta. Sa pagpasok namen sa hugnayan, nakita namen ang mga mahuhusay at malalakas na badminton na manlalaro. Lahat sila ay malakas na hinahampas ang bola at sinasalo naman ng kanilang mga kakampi. Ako's lubos na kinabahan hindi dahil sa magagaling ang kalaban kundi dahil baka madapa ako sa paghabol sa bola pag pinalo na ng kalaban.
Mabilis na dumating ang sandali na nagsimula ang laban. Sa unang pagtutunggali, panis na panis ang mga gwapong lalaking manlalaro. Love-set! Sa pangalawang pagtutunggali, nagpakita ng husay sa pananampal ng bola ang dalawa matipunong kalaban. Ngunit hindi kami nagpahuli, pinakitaan din namen sila na marunong din kami ... na pumulot ng bola sa pamamagitan ng raketa... hehe. Ilang minuto lang ang nakalipas at natapos din ang laro na hindi ako pinagpawisan ... sa kili kili (of course, I am using the new anti-perspirant GargleMint, nothing keeps you drier with GargleMint!...hehe ). Hindi kami nawalan ng pag-asa. Sa huling pakikipagtunggali, kami ay nagpakita ng kakaibang gilas. Binigay namen ang aming buong kakayanan na talunin ang magagaling na kalaban. Pinapalo namen ang bola sa himpapawid nang masindak ang kalaban. Mabibilis namen hinahabol ang bola bago mapunta sa sahig. Palo dun, hulog nila, serbisyo dun... hayun, umiskor din ng isa. Nang matapos ang laro, hindi kami nalungkot ng matalo kami sa lahat ng laro. Kami ay nagsaya at nagalak dahil nakasali kami sa paligsahan na ito at dahil may libre keychain mula TFC. :)
Marami kaming natutunan sa paligsahan nito Ika nga "When You Lose Don't Lose the Lesson". Sa susunod na paligsahan, paghahandaan at pag-iigihin namen ang paglalaro. Kaya humanda na kayo! :p
1 Comments:
"When You Lose Don't Lose the Lesson" --- oist... sa CR ng NCS naka-post ito ah... hahaha... :) You ha, di halatang laman ka ng CR lagi... hahaha... PEACE
Post a Comment
<< Home